Thursday, April 14, 2016

Kwento.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang blog post na ito.

Ganito na lang,

April 6, 2016...

Nagising ako around 10AM, ginising ako ng pamangkin ko dahil nagwi-widraw na daw ang Nanay nya (Asawa ng Kuya ko) ng pambili nya ng cellphone. Malapit na kasi ang birthday (April 8, 2016) nya noon. Wala kaming lakad ni Ivann nung araw na yun, kaya naman sinamahan namin sya sa SM. Masaya yung araw na yun. Nakabili agad kami ng gustong cellphone ng pamangkin ko, at ng tablet ng kapatid nyang mas nakakabata sa kanya, di kasi pumayag yung isa na hindi sya bibilhan. Naibili na rin namin ng hard case yung cellphone kasi gusto din daw nya nun.

Pauwi na kami, tawanan pa kami ng tawanan. Kumakanta kasi ang mas nakakabata kong pamangkin ng Lupang Hinirang, kaso hindi nya alam ang tamang titik sa kanta, mas nakaka-aliw kasi ayaw nyang baguhin ang titik ng kinakanta nya kahit na tinuturo naman namin sa kanya.

Kakalagpas lang namin ng Green Papaya, medyo nagbu-build-up yung traffic, may dalawang bus kaming kasabay sa daan namin pabalik ng Tagaytay, nakita namin na mabilis ang kasalubong namin. Mabagal ang takbo namin, nasa 30 - 40kph lamang kami.

Doon na kami naaksidente. Nahagip kami ng sinasabi kong kasalubong namin. Hindi na nakontrol ni Ivann ang manibela dahil sumabit ang gulong namin sa gulong ng nakasabitan naming sasakyan. Nagswerve kami sa kaliwang linya, bumangga sa pick-up na kasalubong din namin, nasa likod ang pick-up ng nakasabitan naming sasakyan.

Sa maiksing kwento...

Sira ang pick-up at ang sasakyan ko, gasgas at sira ang gulong nung isang sasakyan. Ayos naman kami. May bukol lang ako at bugbog ang katawan namin pareho ni Ivann. Dapat masesettle na namin lahat, medyo may mga pinag-iisipan pa yata yung may kanya nung isang sasakyan pero yung sa pick-up, maayos naman naming nakakausap.

Sa nangyayari sa amin ngayon, medyo hindi ako okay. Di ko din kasi alam kung saan kami kukuha ng pambayad. Kami kasi ang sinasabi ng imbestigador na may kasalanan sa nangyari, okay na yun, wala naman kaming magagawa kasi sabi nga ni Sir na nagimbestiga, matagal na sya sa larangang ganun at sa galos pa lang daw ng sasakyan, alam na agad kung sinong may kasalanan.

Pilipinas e.

Tinanong ba kami kung anong nangyari? No, binase lang sa galos. Pero sige, okay na yun. May witness din daw sila, na hindi nababali ang testimonya kasi nagta-trabaho as public servant. Sige. Okay na din.

Hindi naman kami tumatakas e, hangga't maaari gusto na naming matapos at masettle lahat kasi hindi kami makagalaw hangga't may ganyan. Wala namang may gusto sa nangyari. Aksidente. Para rin kaming pilay ngayon, katulad ng sinasabi nung may kanya ng isang sasakyan, napabayaan ang business at ang mga plano. Inuulit ko, hindi naman namin ginusto ang nangyari.

Nagpapasalamat na lang kami at ganito lang ang nangyari sa amin.

Sabi nga ng mga kapatid ko, paano kung truck na malaki ang nakasagupa namin?

--------------------------------------------------

Sa mga kaibigan namin na nagtanong at bumisita sa amin, salamat. Okay pa kami. Dyan lang kayo, kailangan din kasi namin ng moral support.

Sa magulang ko, pasensya na po kayo. Hindi ko din naman po ginusto ang nangyari. Nahihiya din naman po ako sa inyo. Magagawan naman po siguro namin ng paraan ito.

Sa Panginoong Dyos, salamat po sa paggabay sa amin sa araw araw at sa pagliligtas sa amin. Mahal na mahal nyo po talaga kami.


with love,
Lily Jeciel.


No comments:

Post a Comment